Tatlumpu't apat (34) na proyektong pang-imprastruktura ang inilunsad ng Ministri ng Pagpaplano ng Pambansang Pag-unlad ng Indonesia para sa mga pribado at dayuhang mamumuhuan. Nagkakahalaga ng humigit-kumulang 25.8 bilyong USD ang makakalap na puhunan para sa nasabing mga proyekto.
Ito ang ipinahayag ng nabanggit na ministri sa PINA Day 2018 na nasa pagtataguyod ng Center for Private Investment (PINA) Huwebes, Enero 19, 2018.
Sa darating na taong 2019, humigit-kumulang 35.4 na bilyong USD ang kakailanganin ng Indonesia sa konstruksyon ng imprastruktura. Pero, 40% lamang nito ang kakayanin ng pamahalaan, at ang natitirang pondo ay inaasahang manggagaling mula sa pribadong sektor at puhunang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio