Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report: Alert Level 4, itinaas na sa Mayon Volcano

(GMT+08:00) 2018-01-22 18:29:34       CRI

HIGIT na lumala ang kalagayan ng Bulkang Mayon matapos itong magbuga ng mga bato at kumukulong putik bago sumapit ang ala-una ng hapon kanina. Sa pangyayaring ito, itinaas ng mga dalubhasa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level sa ika-apat na antas na nangangahulugang mayroong mapaminsalang pagsabog na magaganap sa mga susunod na oras o araw.

PHIVOLCS MAY SAPAT NA TAUHAN.  Sinabi ni G. Ed Laguerta, resident volcanologist ng PHIVOLCS sa Legazpi City na may spat slang tauten at kagaimtan sa pagbabantay sa Mt. Mayon.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay G. Ed Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs sa Lignon Hill sa Legazpi City, tumagal ang pagsabog ng may walong minuto na kinakitaan ng pagbaba ng mainit na usok patungo sa mga bayang nasasakupan ng Camalig at Guinobatan. Hinihintay pa ni G. Laguerta ang pelikulang nakuha mula sa hilagang bahagi ng bulkang Mayon, sa bahaging saklaw ng Tabaco City.

Idinagdag ni G. Laguerta na pinalaki na nila ang saklaw ng mapanganib na bahagi ng bulkan sa walong kilometro mula sa bibig ng 2,462 metrong bulkan.

Tumaas din ang bilang ng mga pagyanig sa loob ng bulkan, paglabas ng kumukulong putik at mga pagsabog mula sa labi ng bulkan.

BULKANG MAYON, SUMABOG NA NAMAN.  Patuloy na minamatyagan ng mga dalubhasa sa pamahalaan ang mga ikinikilos ng Bulkang Mayon tulad ng pagsabog kanına.  Nakarating ang sok mula sa bibig ng bulken sa taas na limang kilometro.  Makikita ang mga mamamayan ng Camalig, Albay na lumabas ng kanilang taranan upang masadan ang pagsabog.  (Contributed Photo)

Pinayuhan ang madlang huwag mangangahas na pumasok sa deklaradong danger zones. Nabalita rin ang pag-ulan ng abo sa Ligao City, may 35 kilometro mula sa Legazpi City.

Pinayuhan na rin ang mga piloto na huwag lumapit sa bibig ng bulkan sa panganib na magbuga ito ng abo na makapipinsala sa mga makina ng eroplano. Mayroon pa ring halos 26,000 mga evaucuees sa iba't ibang evacuation centers. Nagmula ang evacuees sa mga barangay na nanganganib sa pagsabog ng bulkan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>