Hanoi, Vietnam—Noong taong 2017, lumampas sa 100 bilyong USD ang bilateral na kalakalan ng Tsina at Vietnam. Kasabay nito, umabot sa anim na milyong person-time ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag kamakailan ni Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Vietnam sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at pagsalubong sa Chinese New Year.
Bukod sa resepsyon, idinaos din ang pagtatanghal ng mga larawan ng pagkakaibigang Sino-Biyetnames, palabas na pansining at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac