|
||||||||
|
||
Hanoi, Vietnam—Sumang-ayon ang Tsina at Vietnam na ibayo pang palalimin ang kanilang komprehensibong estratehikong kooperasyon sa ilalim ng bagong situwasyon, para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of Vietnam (CPV), sa kanilang pag-uusap nitong nagdaang Linggo.
Sina Pangulong Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Communist Party of China (CPC) Central Committee Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Communist Party of Vietnam (CPV) Central Committee sa kanilang pagtatagpo sa Hanoi, Vietnam, Nov. 12, 2017. (Xinhua/Yao Dawei)
Sumang-ayon ang dalawang lider na magkapareho ang sistemang pulitikal at magkatulad ang landas na pangkaunlaran ng Tsina at Vietnam, kaya, mahigpit na konektado ang hinaharap ng dalawang bansa.
Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang kahandaang pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba at pasulungin ang mga pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Pagkaraan ng pag-uusap, tumayong-saksi sina Xi at Trong sa paglagda ng Memorandum of Understanding hinggil sa Magkasamang Implementasyon ng Belt and Road Initiative at "Two Corridors and One Economic Circle" plan ng Vietnam, at serye ng kasunduang pangkooperasyon sa larangan ng industrial capacity, enerhiya, cross-border economic cooperation zone, e-commerce, human resources, ekonomiya, kalakalan, pinansya, kultura, kalusugan, media, social science, at depensang panghanggahan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |