|
||||||||
|
||
Kaugnay ng inilabas na bagong bersyong "Nuclear Posture Review" Report ng Amerika, tinukoy Linggo, Pebrero 4, 2018, ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na maling tinasa ng nasabing ulat ang intensyon ng pag-unlad ng Tsina, at labis na inilarawan ang banta ng lakas nuklear ng Tsina. Aniya, buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino.
Ani Ren, buong tatag na tinatahak ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad, at iginigiit ang Defensive National Defense Policy.
Dagdag pa niya, hinihiling ng Tsina sa Amerika na obdiyektibong pakitunguhan ang konstruksyon ng tanggulang bansa at hukbo. Dapat aniyang magkasamang magsikap ang dalawang bansa upang maging elemento ng katatagan ang relasyon ng dalawang hukbo sa relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |