Sa bagong bersyong "Nuclear Posture Review" Report na isinapubliko nitong Biyernes, Pebrero 2, 2018, ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos, hinihiling nito sa pamahalaan na pag-aralan at paunlarin ang bagong sandatang nuklear upang mapataas ang nuclear deterrent ng bansa. Ito ay nagdudulot ng pagkabahala ng iba't-ibang sirkulo ng Amerika. Ipinalalagay nilang dapat tasahin muli ng Kagawarang Pandepensa ng Amerika ang negatibong epektong posibleng idinulot ng nasabing ulat.
Makaraang isapubliko noong taong 2010 ng Kagawarang Pandepensa ng Amerika ang kaukulang ulat ng pagtasa, ito ang unang pagkakataong inilabas ng Amerika ang estratehiyang nuklear nito.
Salin: Li Feng