|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pumasok na sa ika-5 araw ang 2018 Spring Festival Travel Rush. Salamat sa mga nagagamit na bagong teknolohiya at serbisyo, nagiging mas mainam ang karanasan ng mga pasahero, at nagiging ligtas, maayos, at matatag ang operasyon ng mga daam-bakal, kumpara sa mga nakalipas na katulad na panahon.
Upang bigyan ng mas mainam na serbisyo ang nasabing okasyon, itinaas ng Train Ticket Center ang kakayahan ng online ticketing system. Bunga nito, tumaas sa 15 milyong ticket ang naibebenta bawat araw mula 10 milyon.
Sapul noong isang taon, binuksan ng Train Ticket Center ang mas maraming bagong pungsyon na magbibigay-ginhawa sa mga mamamayan, bagay na nagkakaloob ng mainam na paglalakbay sa mga pasahero.


Bukod dito, nagsagawa ang mga malalaking train station ng isang serye ng hakbang para bigyang-ginhawa ang mga mamamayan upang mapabuti ang damdamin ng mga pasahero sa paghihintay ng tren. Halimbawa, dinagdagan ang mga mobile phone charging equipment, at isinaoperasyon ang 19 na navigator sa loob ng mga istasyon ng tren.
Salin: Li Feng
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |