Nabaril at namatay Pebrero 5 ang isang mamamayang Tsino sa Karachi, Pakistan.
Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 6, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkondena sa nasabing karahasan laban sa mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag ni Geng na positibo ang Tsina sa isinasagawang pagsisikap ng Pakistan para pangalagaan ang katatagan at seguridad ng lipunan. Umaasa rin aniya siyang ipagpapatuloy ng Pakistan ang mga hakbangin para igarantiya ang seguridad ng mga mamamayang Tsino sa bansa.