Beijing, Tsina—Sa kasalukuyan, itinatatag ng Tsina ang autopilot test base, at binabalangkas ang mga plano at alituntunin hinggil dito, para mapasulong ang pag-unlad ng teknolohiyang autopilot ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Li Xiaopeng, Ministro ng Trasportasyon ng Tsina, Miyerkules, Pebrero 7, 2018.
Idinagdag din ni Li na ang teknolohiyang autopilot ay makakatulong sa pagpapalakas ng seguridad at episyensya ng transportasyon.
Noong Disyembre, 2017, sinimulang pairalin ng Beijing ang batas hinggil sa autopilot test. Samantala, ilulunsad din ng Tsina ang kauna-unahang autonomous driving zone sa Yizhuang town, Beijing.
Salin: Jade
Pulido: Rhio