|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag ng Komisyon ng Transportasyon ng Beijing kamakalawa, Miyerkules, Enero 3, 2018, ilulunsad sa Yizhuang town, Beijing ang unang autonomous driving zone sa Tsina.
Ang nasabing sona ay eksklusibong gagamitin para sa pagsubok sa mga autonomous vehicle. Pero, sa yugto ng pagsubok, mangangailangan pa rin ng tsuper ang mga autonomos car; ibig sabihin, kailangang may autonomous-driving mode at manual-driving mode ang kotse para maaaring mapangasiwaan ng tao, sa mga kinakailangang kondisyon.
Ang Raeton sedan, self-driving car ng Changan Automobile (Group) Co. Ltd., habang sinusubok-takbo sa highway sa Beijing noong Abril, 2016. Photo credit: Visual China
Ang suporta ng Beijing sa teknolohiya ng autonomous-driving ay nagpapakita ng pagpapatupad nito sa estratehiya ng artificial intelligence (AI) ng pamahalaang Tsino.
Ayon sa isang pambansang plano na inilabas ng Tsina noong Hulyo, 2017, ang industriya ng AI ay magsisilbing pangunahing bagong lakas ng pagpapasulong ng pambansang kabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |