Ang Kapistahan ng Tagsibol (Spring Festival) ay kapuwa ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Tsina't Vietnam. Bilang pagsalubong sa papalapit na nasabing kapistahan, nagpalitan ng mensaheng pambati para sa isa't isa at para sa mga mamamayan ng dalawang bansa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Communist Party of Vietnam (CPV).
Sa kanilang mensahe, binalik-tanaw ng dalawang lider ang natamong bunga ng Tsina't Vietnam sa iba't ibang larangan noong 2017. Noong 2017, naisakatuparan ng dalawang bansa ang 100 bilyong U.S. dollar na target ng kalakalan, at umabot sa 10 milyong person-time ang pagdadalawan ng mga opisyales at mamamayan ng dalawang bansa.
Ang taong 2018 ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Vietnam. Kapuwa ipinahayag nina Xi at Nguyen ang kahandaan para sa ibayo pang pagpapasulong ng mga pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang sektor, para maiangat pa ang bilateral na relasyon, sa bagong taon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio