Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong isang taon, lumaki ng 9.9% ang kalakalan ng bansa, kumpara sa taong 2016. Ang bahagdan ng paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas ay kapwa mas malaki kaysa pagtaya, dagdag pa ng ulat.
Ipinahayag ni Ernesto Pernia, Direktor-Heneral ng National Economic Development Authority (NEDA), na dapat isagawa ng pamahalaan ang mga aktuwal na hakbangin at palakasin ang pag-aaral sa pamilihan upang alamin ang tunguhin ng pag-unlad ng pamilihan at pangangailangan ng mga mamimili. Layon nito aniyang pasulungin ang pagluluwas ng bansa.
Salin: Li Feng