Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), noong ika-4 na kuwarter ng taong 2016, umabot sa 6.6% ang bahagdan ng paglaki ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Pilipinas, at 6.8% naman ang paglaki nito sa buong taon. Ito ang pinakamabilis na paglaki sa sampung (10) bansang ASEAN.
Ayon sa kaukulang datos, noong ika-4 na kuwarter ng 2016, lumaki ng 7.4% ang industriyang pangserbisyo, at lumaki rin ng 7.6% ang industriya kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ngunit, dahil sa epektong dulot ng likas na kapahamakan, lumitaw ang negatibong paglaki sa agrikultura ng bansang ito.
Sa taong 2017, itinakda ng NEDA ang target ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa 6.6% hanggang 7.5%.
Salin: Li Feng