Nakakuha ng medalyang pilak, ngayong araw, Huwebes, ika-15 ng Pebrero 2018, ang dalawang atletang Tsino na sina Sui Wenjing at Han Cong, sa figure skating pair event ng Pyeongchang Winter Olympics.
Ang puntos nila ay 235.47, at mas mababa lamang ng 0.43 kaysa gold medalist, pares na Aleman na sina Aljona Savchenko at Bruno Massot.
Napasakamay naman ng pares na Kanadian na sina Meagan Duhamel at Eric Radford ang medalyang tanso.
Hanggang sa kasalukuyan, dalawang medalyang pilak ang napanalunan ng delegasyong Tsino sa Pyeongchang Winter Olympics.
Salin: Liu Kai