Pumunta kahapon, Lunes, ika-23 ng Enero 2017, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Zhangjiakou, co-host city ng Beijing 2022 Winter Olympics.
Binigyang-diin ni Xi, na ang paghahanda para sa naturang palaro ay mahalagang usapin ng buong Tsina. Hiniling ng pangulong Tsino sa iba't ibang may kinalamang departamento at pamahalaang lokal, na batay sa target na "idaos ang kahanga-hanga, kagila-gilalas, at napakahusay na Winter Olympics," isagawa ang mga de-kalidad na paghahanda, ayon sa nakatakdang iskedyul. Sinabi rin niyang sa mga gawain ng paghahanda, dapat pahalagahan ang paggawa ng siyentipiko at makatwirang plano, at pagtitipid sa paggamit ng mga yaman.
Salin: Liu Kai