Idinaos kahapon, Linggo, ika-18 ng Pebrero 2018, sa lalawigang Nakhon Sawan ng Thailand, ang pestibal ng mga pagkaing Tsino. Inihandog ng mga kusinerong Tsino para sa mahigit isang libong lokal na mamamayang Thai ang mga masarap na pagkain mula sa timog silangan ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pestibal, pinasalamatan ni Pangalawang Punong Ministro Wissanu Krea-ngam ng Thailand ang Ministri ng Kultura ng Tsina sa pagpapadala ng naturang mga sikat na kusinero sa Thailand. Ang aktibidad na ito aniya ay bahagi ng selebrasyon sa Nakhon Sawan para sa Spring Festival o Chinese New Year, at ang pagdiriwang sa lugar na ito ay may 102 taong kasaysayan.
Sinabi naman ni Lan Suhong, Cultural Counsellor ng Emabahadang Tsino sa Thailand, na maraming taon nang magkasamang itinataguyod ng mga pamahalaang Tsino at Thai ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Spring Festival. Ito aniya ay nagpapakita ng matagal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai