Sa Mansyon ng Pambansang Asamblea ng Thailand, binuksan Martes, Enero 23, 2018 ang kurso ng oral Chinese para sa mga mambabatas ng National Legislative Assembly ng Thailand. Ang kursong ito ay magkasamang itinaguyod ng Sekretaryat ng Mataas na Kapulungan ng Thailand at Confucius Institute ng Kasetsart University ng Thailand. Kasali sa kasalukuyang kurso ang 20 mambabatas.
Sa pamamagitan ng ilampung oras na pag-aaral, matututunan ng mga mambabatas ang mga kaugalian ng Tsina sa proseso ng pagdadalawan sa mataas na antas, at wikang Tsino sa aspekto ng pulitika at kabuhayan.
Sa seremonya ng pagbubukas ng kurso, sinabi ni Pornpech Wichitcholchai, Pangulo ng National Legislative Assembly ng Thailand, na kasabay ng pagtaas ng impluwensiya ng Tsina sa arenang pandaidig, nagiging mas mahalaga ang katayuan ng wikang Tsino. Aniya, patataasin ng nasabing kurso ang lebel ng wikang Tsino ng mga mambabatas, at pasusulungin ang malalimang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai.
Salin: Vera