PINAYUHAN ng Malacanang ang mga opisyal ng National Food Authority na magbitiw na sa puwesto kung nasaktan sila sa naganap na pagdinig ng Senado kahapon.
Sa panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sangayon siya kay Senador Cynthia Villar na panagutin ang mga taga-NFA sa pahayag nito hinggil sa kakulangan ng bigas kaya't nauwi sa mas mataas na presyo ng butil.
Hindi umano sasantuhin ni Pangulong Duterte ang katiwalian sa alinmang tanggapan ng pamahalaan, dagdag pa ni Secretary Roque.