NAGPADALA ng tulong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – NASSA na nagkakahalaga ng P 26 milyon mula sa pondong nalikom sa Alay Kapwa.
Sinabi ni Fr. Edu Gariguez, ang halagang naipadala ay mula sa Alay Kapwa solidarity fund at nagpapakita lamang ng madaling panahong makalikom ng salaping kailangan ng mga problemadong bahagi sa bansa.
Bilang dagdag sa salaping nalikom sa buong bansa, umabot sa P 267 milyon ang salapi sa tulong na rin ng Caritas Internationalis na nakatulong sa may 69,000 pamilya o halos 325,000 katao na tinamaan ng mga trahedya at dagliang pangangailangan,
Dinadagdagan lamang ng simbahan ang tulong ng pamahalaan. Nagpadala ang CBCP-NASSA ng P22 milyon sa Marawi City samantalang may P 5 milyon naman para sa mga apektado ng trahedya sa paligid ng bulkang Mayon.