Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, isusulong ng Tsina ang internasyonal na kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road." Dapat igiit ang magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagtatamasa upang maisakatuparan ang natamong bunga ng "Belt and Road" Forum for International Cooperation na ginanap sa Beijing noong isang taon. Dapat pasulungin ang konstruksyon ng malaking pandaigdigang tsanel, at palalimin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan nito. Palalawakin ang kooperasyon sa kapasidad na industriyal sa ibang mga bansa, upang maibahagi sa mundo ang manupaktura at serbisyong Tsino. Dapat komprehensibong buksan ang mga karaniwang industriya ng paggawa, at palawakin ang pagbubukas ng mga larangang kinabibilangan ng tele-komunikasyon, serbisyong medikal, edukasyon, pension, bagong enerhiyang sasakyang de motor, at iba pa. Dapat ding maayos na buksan ang bank card cleaning, at iba pang pamilihan; bigyang-wakas ang mga limitasyon sa saklaw ng negosyo ng mga insurance agent companies na may pondong dayuhan; paluwagin o kanselahin ang limitasyon sa proporsisyon ng stock share ng mga pondong dayuhan sa mga aspektong gaya ng bangko, securities, fund management, futures, at kompanyang namamahala sa ari-ariang pinansyal. Gagawin magkapareho ang pamantayan ng market access ng mga bangkong pinatatakbo ng pondong Tsino at dayuhan. Isasagawa rin ang patakaran ng tax deferral para sa reinvestment ng kitang natamo sa Tsina ng mga dayuhang namumuhunan. Pasisimplehin ang proseso ng pagtatatag ng mga bahay-kalakal na may pondong dayuhan.
Salin: Li Feng