Sa Government Work Report na isinumite Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng bansa, para sa pagsusuri, iniharap nitong sa taong 2018, ang inaasahang target na kinabibilangan ng: paglago ng GDP sa humigit-kumulang 6.5%; mga 3% ang paglaki ng CPI; madaragdagan ng mahigit 11 milyon ang oportunidad sa hanap-buhay sa mga lunsod; di-lalampas sa 5.5% ang surveyed urban unemployment rate, at hindi rin lalampas sa 4.5% ang registered urban unemployment rate.
Tinukoy ng ulat, na ang mga pirmihang populasyon sa mga lunsod na kinabibilangan ng mga rural laborer ay kabilang sa surveyed urban unemployment rate. Ang kasalukuyang taon ay kauna-unahang pagkakataon na inilakip sa inaasahang target ang nasabing indeks, upang komprehensibong ipakita ang kalagayan ng hanap-buhay, at ang kahilingan sa pagtatamasa ng bunga ng kaunlaran.
Salin: Vera