Lunes, Marso 5, 2018, sinabi sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nitong nakalipas na 5 taon, nabawasan ng mahigit 68 milyon ang bilang ng mahihirap na populasyon. Kasama na rito ang 8.3 milyong kataong inilipat sa ibang lugar, dahil sa di-mabuting lugar panirahan. Bumaba rin sa 3.1% mula 10.2% ang poverty incidence. Umakyat sa 7.4% ang karaniwang taunang paglaki ng kita ng mga mamamayan, na mas mabilis kaysa paglaki ng kabuhayan. Pinakamarami sa buong mundo ang populasyon ng middle income group ng Tsina. Lumampas sa 130 milyong person-time, mula 83 milyon ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa ibayong dagat. Sumaklaw sa mahigit 900 milyong tao ang social endowment insurance, at 1.35 bilyong mamamayan ang nagtatamasa ngayon ng basic medical insurance. Tumaas sa 76.7 taon ang karaniwang life expectancy o haba ng buhay ng mga tao.
Salin: Vera