Noong ika-5 ng Marso, 2018, dumalo si Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) sa seremonya ng pabubukas ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at lumahok din siya sa iba pang aktibidad.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumahok si Lam bilang Punong Ehekutibo ng HKSAR. Pinasalamatan niya ang pagkatig ng sentral na pamahalaan sa pag-unlad ng HKSAR. Ayon sa working report ni Premiyer Li Keqiang, isasapubliko ng Tsina ang plano ng pagpapaunlad ng Guangdong-Hong Kong-Macau Greater Bay Area para mapalalim ang kooperasyon ng mainland, Hong Kong at Macau na may mutuwal na kapakinabangan.
Tinukoy ni Lam na ang pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macau Greater Bay Area ay tiyak na magpapasulong ng pagpapalitan ng mga tao, material, pondo at impormasyon sa pagitan ng iba't ibang lunsod, at ang kooperasyong panrehiyon ay papasok sa bagong yugto.
Salin: Lele