Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Li Keqiang, binasa ang Government Work Report sa Unang Sesyon ng Ika-13 NPC

(GMT+08:00) 2018-03-05 13:02:07       CRI

Marso 5, 2018, Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina

Premyer Li Keqiang

Mga deputado,

Sa ngalan ng Konseho ng Estado ng Tsina, iuulat ko po ngayon sa kongreso ang mga gawain ng pamahalaan nitong nakalipas na 5 taon, at ihaharap ang mga mungkahi tungkol sa mga gawain sa kasalukuyang taon. Inaanyayahan ko po ang mga deputado na suriin ang ulat na ito, at iharap ang sariling kuru-kuro.

Bahagi 1, Pagsariwa sa Mga Gawain Noong Nagdaang 5 taon

Nitong nakalipas na 5 taon, pumasok sa bagong antas ang puwersang pangkabuhayan ng bansa. Umabot sa 82.7 trilyong yuan RMB, mula 54 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina: ito ay may taunang bahagdan ng paglaki na 7.1%. Tumaas sa humigit-kumulang 15%, mula 11.4% ang proporsyon ng GDP ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig, at lampas sa 30% ang contribution rate nito sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Umangat sa 17.3 trilyong yuan RMB, mula 11.7 trilyong yuan RMB ang fiscal revenue. Samantala, nasa 1.9% ang karaniwang taunang paglaki ng mga Consumer Price, na nanatili sa mababang lebel. Mahigit 66 milyong tao ang nabigyan ng bagong karagdagang hanap-buhay sa mga lunsod.

Noong nagdaang 5 taon, lumitaw ang mahalaga't malaking pagbabago sa estruktura ng kabuhayan. Tumaas sa 58.8% mula 54.9% ang contribution rate ng konsumo. Tumaas din sa 51.6%, mula 45.3% ang proporsyon ng industrya ng serbisyo, na nagsilbing pangunahing lakas-panulak ng paglago ng kabuhayan. Umabot naman sa 11.7% ang karaniwang taunang paglaki ng industrya ng hay-tek na pagyari. Umabot din sa 0.6 trilyong kilogramo ang kakayahan sa produksyon ng pagkaing-butil. Umakyat sa 58.5% mula 52.6% ang urbanization rate, at lumipat sa mga lunsod ang mahigit 80 milyong populasyong agrikultural.

Nitong nakalipas na 5 taon, mabungang mabunga ang innovation-driven development. Umabot sa 11% ang karaniwang taunang paglaki ng laang-gugulin sa pananaliksik at pagpoprodyus ng buong lipunan, na pumangalawa sa daigdig. Tumaas sa 57.5%, mula 52.2% ang contribution rate ng siyensiya't teknolohiya. Walang humpay na lumitaw ang mahahalaga't malalaking bunga ng inobasyon, na gaya ng manned space activities, deep-sea exploration, quantum communication, malaking eroplano at iba pa. Nangunguna rin sa buong mundo ang high-speed railway network, ecommerce, mobile payment, sharing economy at iba pa. Sumasanib sa iba't ibang industrya ang "Internet Plus" Initiative. Masiglang umuunlad ang pagpapasimula ng negosyo at inobasyon ng mga mamamayan, at lampas sa 16,000, mula mahigit 5,000 ang karaniwang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal bawat araw.

Noong nagdaang 5 taon, tuluy-tuloy na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. May disididong progreso ang pagpapawi sa kahirapan. Nabawasan ng mahigit 68 milyon ang bilang ng mahihirap na populasyon. Kasama na rito ang 8.3 milyong kataong inilipat sa ibang lugar, dahil sa di-mabuting lugar panirahan. Bumaba rin sa 3.1% mula 10.2% ang poverty incidence. Umakyat sa 7.4% ang karaniwang taunang paglaki ng kita ng mga residente, na mas mabilis kaysa paglaki ng kabuhayan. Lumampas sa 130 milyong person-time, mula 83 milyon ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa ibayong dagat. Sumaklaw sa mahigit 900 milyong tao ang social endowment insurance, at 1.35 bilyong mamamayan ang nagtatamasa ngayon ng basic medical insurance. Tumaas sa 76.7 taon ang karaniwang life expectancy ng mga tao.

Nitong nakalipas na 5 taon, unti-unting gumanda ang kalagayan ng kapaligirang ekolohikal. Itinakda at isinagawa ng bansa ang tatlong "Sampung Hakbangin" para sa pagpigil at pagsasaayos sa polusyon sa hangin, tubig at lupa, at natamo ang matibay na bunga. Kapuwa bumaba ng mahigit 20% ang energy consumption at water consumption per GDP unit. Tuluy-tuloy na bumababa ang bolyum ng pagbuga ng mga pangunahing pollutant, at nabawasan ng 50% ang bilang ng mga araw na may malubhang polusyon sa mga pangunahing lunsod. Nadagdagan ng 163 milyong mu (o halos 10.87 milyong hektarya) ang kabuuang saklaw ng kagubatan, at halos 2,000 kilometro kuwadrado ang karaniwang taunang pagbaba ng saklaw ng mga lupang disyertipikado.

Nitong nagdaang 5 taon, nagtrabaho kami ng may dedikasyon upang ma-implementa ang mga desisyon at planong ginawa ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Kasama Xi Jinping. Narito po ang mga ginawang pagsisikap ng pamahalaan nitong nakalipas na 5 taon:

Una, iginiit ng pamahalaan ang pangkalahatang prinsipyo ng gawain na hanapin ang progreso habang pinapanatili ang katatagan, at tayo rin ay nagpokus sa pagdedebelop ng mga bago at mas mainam na hakbang tungo sa macro regulation, pinanatili natin sa makatwirang antas ang takbo ng kabuhayan, at nananatili itong matatag, tungo sa mas magandang direksyon.

Ika-2, itinuring na pangunahing gawain ng pamahalaan ang supply-side structural reform, at puspusang pinarami at pinalakas ang bagong lakas-panulak. Pinabilis din ang pagpapabuti at pag-a-upgrade ng estruktura ng kabuhayan.

Ika-3, isinunod ng pamahalaan ang pamumuno ng inobasyon sa kaunlaran, at buong lakas na pinasigla ang pagkamapanlikha ng lipunan. May malinaw na pagtaas ang kabuuang kakayahan at episyensiya ng inobasyon. Isinagawa rin ang innovation-driven development strategy, pinabuti ang ekolohiya ng inobasyon, at binuo ang kayarian ng komprehensibong pagpapasulong ng inobasyon, sa pamamagitan ng pagkokoordinahan ng mga pangunahing panig.

Ika-4, komprehensibong pinalalim ng pamahalaang Tsino ang reporma, at puspusang inalis ang mga kamalian at kakulangan ng mga umiiral na sistema at mekanismo. Walang tigil na tumatatag ang lakas-panulak ng kaunlaran.

Ika-5, nanangan ang pamahalaan sa pundamental na patakaran sa pagbubukas sa labas, at masipag na isinakatuparan ang kooperasyon at win-win situation. May malinaw na pagtaas ang lebel ng bukas na kabuhayan. Iminungkahi at pinasulong din ng Tsina ang magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road, inilunsad ang pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), itinayo ang Silk Road Fund, at isinagawa ang isang pangkat ng mahahalaga't malalaking proyekto ng connectivity at kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. Pinag-ibayo namin ang pagpasok ng mga dayuhang talento, at tumaas ng 40% ang bilang ng mga dalubhasang dayuhan na nagtatrabaho sa Tsina.

Ika-6, isinulong ng pamahalaan ang pagpapatupad ng estratehiya ng koordinadong pag-unlad ng mga rehiyon at bagong urbanisasyon, buong lakas na pinasulong ang magkabalanseng pag-unlad, at mabilis na umunlad ang mga bagong growth pole at growth zone. Aktibong pinasulong ang koordinado't sabay-sabay na pag-unlad ng Beijing, Tianjin at Hebei, at pag-unlad ng economic belt ng Ilog Yangtze, itinakda't isinagawa ang mga kinauukulang plano, at itinatag ang isang pangkat ng mahahalagang proyekto.

Ika-7, iginiit ng pamahalaan ang kaisipang, gawing sentro ng pag-unlad ang mga mamamayan, at puspusang iginarantiya at pinabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Walang humpay na lumakas ang damdamin ng pakinabang sa kaisipan ng mga mamamayan.

Ika-8, nanangan ang pamahalaan sa may-harmonyang pag-unlad ng sangkatauhan at kalikasan, buong lakas na isinaayos ang polusyon sa kapaligiran, at natamo ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ang kapansin-pansing bunga.

Ika-9, komprehensibong ipinatupad ang mga tungkulin ng pamahalaan alinsunod sa batas, at pinalakas ang pagsasaayos sa lipunan. Nananatiling maharmonya at matatag ang lipunan.

Bahagi 2, Pangkalahatang Kahilingan ng pag-unlad ng Kabuhaya't Lipunan at Tunguhin ng Mga Patakaran sa Taong 2018

Ang mga pangunahing inaasahang target ng pag-unlad sa kasalukuyang taon ay: lalago ng humigit-kumulang 6.5% ang GDP; mga 3% ang paglaki ng CPI; madaragdagan ng mahigit 11 milyon ang oportunidad sa hanap-buhay sa mga lunsod; di-lalampas sa 5.5% ang surveyed urban unemployment rate, at hindi rin lalampas sa 4.5% ang registered urban unemployment rate; mananatiling magkasabay sa kabuuan ang paglaki ng kita ng mga residente at paglago ng kabuhayan; bubuti habang nananatiling matatag ang pag-aangkat at pagluluwas, at magkakaroon ng pagkabalanse ang international revenue and expenditure; bababa ng mahigit 3% ang energy consumption per GDP unit, at patuloy na bababa ang bolyum ng pagbuga ng mga pangunahing pollutant; matatamo ng supply-side structural reform ang substansiyal na progreso, mananatiling matatag sa kabuuan ang macro leverage ratio, at maayos at mabisang mapipigil at makokontrol ang iba't ibang uri ng panganib.

Sa kasalukuyang taon, dapat patuloy na pabutihin at kompletuhin ang makro-kontrol, isaayos ang digri ng makro-kontrol, at palakasin ang koordinasyon at kooperasyon ng mga patakaran ng pinansya, salapi, industriya, rehiyon at iba pa.

Hindi magbabago ang tunguhin ng proaktibong patakarang piskal. Pabubutihin ng pamahalaan ang estruktura ng public finance expenditure, at patataasin ang publisidad at pagiging inklusibo ng paggastos. Pag-iibayuhin din ang pagkatig sa "tatlong pangunahing misyon" ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, tulad ng pagpigil at pagresolba sa mga panganib, pagsasagawa ng tamang-tamang hakbangin sa pagpawi sa kahirapan, at pagpigil at pagsasaayos sa polusyon. Ang mga larangang gaya ng innovation-driven deveploment, agrikultura, kanayuan, magsasaka, at pamumuhay ng mga mamamayan ay pokus din ng mga gawain ng pamahalaan.

Mananatiling neutral, angkop na maluwag, at angkop na mahigpit ang matatag na patakarang pinansyal. Papatnubayan ang paglalaan ng mas maraming pondo sa mga small at micro enterprise, agrikultura, kanayunan, magsasaka at mahihirap na purok, at mas mainam na maglilingkod sa substantial economy.

Mataimtim na ipatutupad ang kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa sosyalistang kabuhayan na may katangiang Tsino sa bagong panahon, at igigiit ang pangkalahatang prinsipyo ng gawain na hanapin ang progreso habang nananatiling matatag. Pahahalagahan din ang mga gawain alinsunod sa ilang aspekto: una, buong lakas na pasusulungin ang de-kalidad na pag-unlad. Dapat lutasin ang problema ng di-balanse at di-lubos na pag-unlad, bigyan ng priyoridad ang kalidad at episiyensiya, at pasulungin ang pagpapabuti at pag-a-upgrade ng estuktura ng kabuhayan. Dapat igalang ang kalakaran ng kabuhayan, at igarantiya ang pagpapanatili ng takbo ng kabuhayan sa makatwirang antas. Ika-2, pag-iibayuhin ng pamahalaan ang reporma at pagbubukas. Dapat lubos na patingkarin ang mapanlikhang diwa ng mga mamamayan, at himukin ang iba't ibang lugar na walang humpay na pasulungin ang reporma't pagbubukas, batay sa kanilang aktuwal ng kalagayan. Ika-3, pabubutihin ng pamahalaan ang nabanggit na "tatlong pangunahing misyon" ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan. Dapat igarantiya ang mabisang pagkontrol sa mga panganib at nakatagong panganib, komprehensibong matupad ang tungkulin ng pagpawi sa kahirapan, at isagawa ang pangkalahatang pagbuti ang kalidad ng kapaligirang ekolohikal. Dapat igiit ang kaisipang pangkaunlaran, na gawing sentro ang mga mamamayan. Dapat maayos na resolbahin sa abot ng makakaya ang mga suliraning ikinababahala ng mga mamamayan, batay sa pundamental na kalagayan ng estado. Dapat pasulungin ang katwiran at katarungan ng lipunan, at komprehensibong pag-unlad ng sangkatauhan, para maging mas maganda ang pamumuhay ng mga mamamayan, kasabay ng pag-unlad ng bansa.

Bahagi 3, Mga Mungkahi sa Gawain ng Pamahalaan sa Taong 2018

Una, dapat malalimang pasulungin ang supply-side structural reform, at igiit ang pagiging pokus sa pagpapaunlad ng real economy sa pagpapasulong ng kabuhayan. Dapat puspusang pasimplehin ang mga prosesong pampamahalaan at bawasan ang mga taripa at gastos, at walang humpay na pabutihin ang kapaligirang pangnegosyo upang ibayo pang mapasigla ang pamilihan at mapataas ang kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan.

Dapat paunlarin at pasulungin ang bagong kasiglahan. Dapat palakasin at paunlarin ang bagong-sibol na grupong industriyal. Dapat palakasin ang pag-aral at paggamit ng bagong henerasyong artificial intelligence. Dapat puspusang baguhin at i-upgrade ang mga tradisyonal na industriya. Dapat palakasin ang puwersa sa pagpapataas ng bilis at pagbabawas ng gastos ng broadband upang mapasulong ang pagtatayo ng Digital China.

Dapat pabilisin ang konstruksyon ng manufacturing power. Dapat pasulungin ang mga industriyang gaya ng mga integrated 5G mobile communications, new-energy vehicles, at bagong materyal. Dapat komprehensibong isagawa ang pagpapataas ng kalidad, at pasulungin ang pagpapa-abot sa pangunahing lebel sa daigdig, upang maisagawa ang isang rebolusyon ng kalidad sa paggawa ng Tsina.

Dapat patuloy na alisin ang walang-bisang pagsuplay. Sa kasalukuyang taon, babawasan pa ng 30 milyong metriko tonelada ang kakayahan ng produksyon sa bakal at asero, babawasan din sa halos 150 milyong metriko tonelada ang kapasdad sa produksyon ng karbon. Ang mga coal-fired generating unit na may kapasidad na mas mababa sa 300 libong kilowatts na di-nakakaabot sa pamantayan ay ipasasara.

Dapat ibayo pang paliitin ang pasanin sa buwis ng mga bahay-kalakal. Pabababain ang tax rate, pangunahin na, sa mga industriyang tulad ng paggawa, komunikasyon at transportasyon. Sa taong ito, babawasan pa ng mahigit 800 bilyong Yuan, RMB ang taripa ng mga bahay-kalakal at indibiduwal para mapasulong ang transisyon at pag-u-upgrade ng mga real economy, at mapasigla ang pamilihan at kakayahang mapanlikha ng lipunan.

Dapat malaking paliitin ang "non-tax" na pasanin ng mga bahay-kalakal. Sa taong ito, babawasan ng mahigit 300 bilyong Yuan RMB ang "non-tax" na pasanin ng mga market entities para isulong ang kanilang pag-unlad.

Ika-2, dapat pabilisin ang pagtatayo ng mapanlikhang bansa. Dapat alamin ang pangkalahatang tunguhin ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya at pagbabago ng industriya sa daigdig, at dapat ding malalimang isagawa ang estratehiyang nagsusulong sa pag-unlad, sa pamamagitan ng inobasyon upang walang humpay na mapalakas ang kakayahang mapanlikha at kompetitibo ng kabuhayan.

Dapat dagdagan ng bansa ang laang pansiyensiya't panteknolohiya sa mga larangan tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat palakasin ang pagsasaayos sa smog, at pagpigil at pagbibigay-lunas sa mga malubhang sakit na tulad ng cancer para makapaghatid ang siyensiya't teknolohiya ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan.

Dapat palakasin ang paghikayat sa mga high-skilled talent, at mga mag-aaral sa ibang bansa na bumalik sa Tsina at magsimula ng kanilang negosyo. Dapat ding palawakin ang "fast track" para sa pagpunta sa Tsina ng mga dayuhang talento.

Ika-3, dapat palalimin ang reporma sa mga pundamental at masusing larangan. Sa pagsasamantala sa mahalagang pagkakataon ng ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas sa taong ito, dapat pasulungin ang pagtatamo ng reporma ng bagong breakthrough at walang tigil na palayain at paunlarin ang kakayahan sa produksyon ng lipunan.

Dapat pasulungin ang reporma sa mga bahay-kalakal na ari ng estado. Dapat ding isakatuparan ang sistema ng pag-uulat sa Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) hinggil sa kalagayan ng pamamahala sa mga propriyedad na ari ng estado.

Dapat katigan ang pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal.

Dapat kompletuhin ang sistema ng karapatan ng pagmamay-ari at mekanismo ng alokasyon ng mga elemento sa pamilihan.

Dapat palalimin ang reporma sa sistemang piskal at buwis.

Dapat pabilisin ang reporma sa sistemang pinansyal.

Dapat pasulungin ang reporma sa sistemang panlipunan.

Dapat kompletuhin ang sistema ng sibilisasyong ekolohikal.

Ika-4, dapat buong tatag na tapusin ang "tatlong pangunahing misyon" upang maisakatuparan ang taunang gawain. Dapat linawin ang responsibilidad ng iba't-ibang panig, at palakasin ang garantiyang pampatakaran.

Dapat pasulungin ang pagtatamo ng malinaw na progreso sa pagpigil at paglutas sa mga malaki at malubhang panganib.

Dapat palakasin ang puwersa ng pag-aalis ng karalitaan. Sa taong ito, dapat bawasan pa ng mahigit 10 milyon ang bilang ng mga mahirap na populasyon sa kanayunan, at dapat ding tapusin ang pagbibigay-tulong sa 2.8 milyong mahirap na populasyon sa pamamagitan ng paglilipat sa ibang lugar.

Dapat pasulungin ang pagtatamo ng mas malaking bunga sa pagpigil at pagsasaayos sa polusyon.

Ika-5, dapat buong sikap na isagawa ang estratehiya ng pag-ahon ng kanayunan. Dapat balangkasin ang siyentipikong plano, kompletuhin ang sistema at mekanismo ng sama-samang pag-unlad sa pagitan ng kalunsuran at kanayunan, at palakasin ang bagong puwersang tagapagpasulong sa kanayunan sa pamamagitan ng reporma at inobasyon.

Dapat pasulungin ang supply-side structural reform sa agrikultura.

Dapat komprehensibong palalimin ang reporma sa kanayunan. Ating isasakatuparan ang patakaran ng pagpapahaba pa ng 30 taon sa ikalawang round ng mga kontrata sa lupa, makaraan itong mapaso.

Dapat pasulungin ang komprehensibong pag-unlad ng iba't-ibang usapin ng kanayunan. Dapat ding pabutihin ang mga imprastrukturang gaya ng suplay ng tubig at koryente, at para sa pagpapabuti ng impormasyon. Itatayo rin at kukumpletuhin ang may 200 libong kilometrong lansangan sa kanayunan.

Ika-6, dapat matatag na pasulungin ang estratehiya ng koordinadong pag-unlad ng mga rehiyon. Dapat pabutihin ang patakaran ng pag-unlad ng mga rehiyon, pasulungin ang pagkakapantay-pantay ng mga pundamental na serbisyong pampubliko para unti-unting mapaliit ang agwat ng pag-unlad sa pagitan ng kalunsuran at kanayunan, at lubusang mapatingkad ang bentahe at potensyal sa iba't-ibang lugar ng bansa.

Dapat itayo ang bagong kayarian ng pag-unlad ng rehiyon. Ating isusulongDapat ding pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng Beijing, Tianjin, at probinsyang Hebei at aalisin natin sa Beijing ang mga pungsyon na di-esansiyal sa papel nito bilang kabisera ng bansa. Mainam nating pagplanuhan ang pagtatatag ng bagong sona ng Xiong'an sa mataas na pamantayan. Isusulong din ang pag-unlad ng Yangtze Economic Belt, alinsunod sa ideya ng pagpapa-una sa ekolohiya at berdeng pag-unlad.

Dapat itaas ang kalidad ng bagong urbanisasyon. Sa taong ito, 13 milyong karagdagang populasyon ay makakapasok sa lunsod, at ating pabibilisin ang proseso ng pagiging pormal na residente ng lunsod ng mga ito. Dapat ipauna ang pagpapaunlad ng pampublikong transportasyon, at kompletuhin ang mga instalasyong panserbisyong gaya ng pamilihan ng gulay at paradahan.

Ika-7, dapat aktibong palawakin ang konsumo at pasulungin ang mabisang pamumuhunan.

Dapat palakasin ang pundamental na papel ng konsumo sa pag-unlad ng kabuhayan. Dapat pahabain pa ng tatlong taon ang preperensyal na patakaran sa pagbibili ng mga bagong-enerhiyang sasakyang de motor, at komprehensibong kanselahin ang mga limitasyon sa pagbili at pagbebenta ng mga non-local segunda-manong sasakyan. Dapat katigan ang mga puwersang panlipunan upang dagdagan ang mga suplay na tulad ng serbisyong medikal, pension, edukasyon, kultura, at palakasan. Dapat itayo ang tourism demonstration zone, at ibaba ang presyo ng mga tiket sa mga scenic spot na ari ng estado. Dapat ding pasulungin ang malusog na pag-unlad ng pagbili sa pamamagitan ng Internet at express delivery.

Dapat patingkarin ang masusing papel ng pamumuhunan sa pagpapabuti ng supply-side structure. Sa taong ito, gugugol tayo ng 732 bilyong Yuan sa daan-bakal, halos 1.8 trilyong Yuan sa lansangan at transportasyong pantubig, at aabot sa 1 trilyong Yuan ang saklaw ng pamumuhunan sa mga itinatayong proyektong patubig. Gagawin nating pokus sa malalaking proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura ang dakong gitna at kanluran ng bansa.

Ika-8, dapat pasulungin ang pagbuo ng bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas sa labas.

Isusulong natin ang internasyonal na kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road." Dapat igiit ang magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagtatamasa upang maisakatuparan ang natamong bunga ng "Belt and Road" Forum for International Cooperation na ginanap sa Beijing noong isang taon. Dapat pasulungin ang konstruksyon ng malaking pandaigdigang tsanel, at palalimin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan nito. Palalawakin natin ang kooperasyon sa kapasidad na industriyal sa ibang mga bansa, upang maibahagi sa mundo ang manupaktura at serbisyong Tsino.

Dapat pasulungin ang matatag na paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal. Dapat ding palakasin ang pakikilahok sa mga pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para maitayo ang primera klaseng kapaligirang pangnegosyo sa daigdig. Dapat komprehensibong buksan ang mga karaniwang industriya ng paggawa, at palawakin ang pagbubukas ng mga larangang kinabibilangan ng tele-komunikasyon, serbisyong medikal, edukasyon, pension, bagong enerhiyang sasakyang de motor, at iba pa. Dapat ding maayos na buksan ang bank card cleaning, at iba pang pamilihan; bigyang-wakas ang mga limitasyon sa saklaw ng negosyo ng mga insurance agent companies na may pondong dayuhan; paluwagin o kanselahin ang limitasyon sa proporsisyon ng stock share ng mga pondong dayuhan sa mga aspektong gaya ng bangko, securities, fund management, futures, at kompanyang namamahala sa ari-ariang pinansyal. Gagawin nating magkapareho ang pamantayan ng market access ng mga bangkong pinatatakbo ng pondong Tsino at dayuhan. Isasagawa rin natin ang patakaran ng tax deferral para sa reinvestment ng kitang natamo sa Tsina ng mga dayuhang namumuhunan. Pasisimplehin ang proseso ng pagtatatag ng mga bahay-kalakal na may pondong dayuhan.

Dapat patibayin ang matatag na tunguhin ng pagsulong ng kalakalang panlabas. Dapat pasulungin ang unti-unting paglilipat ng processing trade sa dakong gitna at kanluran. Dapat aktibong palawakin ang pag-aangkat, maayos na itaguyod ang unang China International Import Expo, at pababain ang import tax sa sasakyang de motor at mga apang-araw-araw na paninda.

Dapat pasulungin ang liberalisasyon at pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan. Buong tatag ding igigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng globalisasyong pangkabuhayan, at pangangalagaan ang malayang kalakalan. Nakahanda ang Tsina na isulong kasama ng mga kaukulang panig, ang proseso ng mga multilateral trade talk, tapusin ang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement sa pinakamadaling panahon, at pabilisin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko at Komunidad ng Kabuhayan sa Silangang Asya. Naninindigan ang Tsina na dapat lutasin ang mga hidwaang pangkalakalan sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian, at tinututulan ang trade protectionism, at buong tinding ipinagtatanggol ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan.

Ika-9, dapat pataasin ang lebel ng paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Dapat puspusang isulong ang paghahanap-buhay at pagsisimula ng negosyo. Sa taong kasalukuyan, aabot sa mahigit 8.2 milyon ang bilang ng mga gradweyt ng mga pamantasan, kaya dapat pasulungin ang paghahanap-buhay sa maraming tsanel at katigan ang mga gradweyt sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Dapat matatag na itaas ang kita ng mga residente.

Dapat paunlarin ang pantay at de-kalidad na edukasyon. Dapat ding pasulungin ang samang-samang pag-unlad ng compulsory education sa kalunsuran at kanayunan, at patuloy na dagdagan ang laang-guguling pang-edukasyon sa mga mahirap na rehiyon at mahinang larangan.

Dapat isagawa ang estratehiya ng "Malusog na Tsina." Dapat dagdagan pa ng 40 Yuan ang subsidy para sa bawat tao sa kanayunan at taong di-nagtatrabaho sa kalunsuran sa pundamental na medical insurance.

Dapat mas mabuting lutasin ang problema ng mga mamamayan sa pabahay.

Dapat palakasin ang pagsisikap para matugunan ang mga saligang pangangalaga sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat puspusang pabutihin ang mga gawain upang makuha ng bawat mahirap na tao ang tulong at pagkatig mula sa lipunan.

Dapat itatag ang kayarian ng pamamahala sa lipunan na may magkakasamang pagtatayo, magkakasamang pagsasaayos, at magkakasamang pagtatamasa. Dapat kumpletuhin ang sistema ng awtonomo ng mga mamamayan sa nakakababang unit, at palakasin ang pagsasaayos sa mga kapitbahayan.

Sa bagong taon at bagong panahon, dapat magkaroon ng bagong atmospera at bagong kilos ang pamahalaan.

Dapat komprehensibong pasulungin ang pamamahala alinsunod sa konstitusyon at batas.

Dapat komprehensibong palakasin ang konstruksyon ng malinis na partido.

Dapat komprehensibong pataasin ang episiyensiya ng pamahalaan, upang mabuo ang sistema ng pagsasa-ayos sa gobyerno na may malinaw na responsibilidad at paraan ng pamamahala alinsunod sa batas; at mapalakas ang kredibilidad at kapasidad pang-ehekutibo ng gobyerno.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>