|
||||||||
|
||
SINABI ni Senador Franklin M. Drilon na baka hindi na makarating sa Senado ang usapin laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kung aaksyon ang Korte Suprema sa usaping inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Ito ang sinabi ni Senador Drilon matapos sabihin ng mga pinuno ng House of Representatives na hihintayin nila ang desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition ni G. Calida.
Sinabi na ng Korte Suprema na sila ang may hurisdiksyon sa quo warranto petition na maaaring magpatalsik kay Chief Justice Sereno. Kung sabihin ng Korte Suprema na ang pagkakaroon ng quo warranto petition ay 'di naaayon sa tamang paraan, posibleng ipadala o hindi padala ang articles of impeachment kung mayroong sapat na dahilan.
Ipinaliwanag ni Senador Drilon na kung sasabihin ng ng Korte Suprema na sila ang mauy hurisdiksyon at magdedesisyon ayon sa merito at magsasabing hindi kwalipikado o hindi nagkaroon ng kwalipikasyon, kahit pa hindi sasang-ayon ang ilan, iyon ang kikilkalaning desisyon kaya;t maaaring hindi na ipadala ng House of Representatives and articles of impeachment at doon na magtatapos ang usapin.
Isasaayos na umano niya ang impeachment rules at mabuti na ring maghanda sapagkat walang makapagsasabi ng mga magaganap sa susunod na mga araw.
Binanggit ni Speaker Pantaleon Alvarez na mas makabubuting hintayin na muna ang magiging desisyon ng Korte Suprema sapagkat kung itutuloy nila ang pagsusulong ng impeachment at sasabihin ng Korte Suprema na pawawalang-saysay ang pagkakahirang kay Chief Justice Sereno, wala na silang patatalsikin pa sa puwesto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |