Sa loob ng Beijing International Book City, binuksan ang unang 24-oras na self-service bookstore sa Beijing. 30 metro kuwadrado ang tindahan, at walang tindera dito. Nakakapasok sa tindahan ang mga mamimili, sa pamamagitan ng pag-scan ng mukha ng tao o QR code. Tutulungan ng mga robot ang mga tao na pumili ng aklat at magbayad.


Sapul nang buksan ang nasabing bookstore, natanggap na ang ilandaang mamimili.Ayon sa pagtaya, sa taong 2018, bubuksan ang 20 ganitong bookstore sa iba't ibang parte ng Beijing.

Salin: Vera