|
||||||||
|
||
PORMAL na nagpaalam ang Pilipinas sa Rome Statute na siyang sandigan at pinagmulan ng International Criminal Court. Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United Nations Teodoro L. Locsin, Jr. sa kanyang Twitter account.
Dinala na ni Ambassador Locsin ang liham na may petsang ika-15 ng Marso kay United Nations Chef de Cabinet Maria Luiza Ribeiro Viotti.
Napapaloob sa liham na nagdesisyon na ang pamahalaan ng Pilipinas na umaalis na ang na sa Rome Statute ng International Criminal Court ayon na rin sa nilalaman ng kasunduan.
Philippine Ambassador to The United Nations Teodoro L. Locsin, Jr.
Tiniyak ni Ambassador Locsin sa komunidad ng mga bansa na patuloy na iginagalang ng Pilipinas ang batas na napapaloob sa Saligang Batas nito na siya ring tumitiyak at nagpapahalaga sa Karapatang Pangtao.
Tuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa kawalan ng pananagutan sa mga kriminal kahit pa tumalikod na sa Rome Statute sapagkat mayroong batas ang Pilipinas na nagpaparusa sa mga krimen. Desidido rin ang pamahalaan na gawin ang lahat upang mapanatiling ligtas ang mga mamamayan nito at makasama sa malawakang kaunlaran.
Nag-ugat ang desisyong umalis sa Rome Statute sa mga pagtatangka na lahukan ng politika at gawing sandata ang karapatang pangtao samantalang kumikilos at naglilingkod pa ang mga tanggapan at ahensya ng pamahalaan sa mga reklamo, isyu at suliranin ng mga mamamayan mula sa ginagawang pagkilos at operasyon laban sa masasamang-loob.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |