|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Sabado, Marso 17, 2018, bumati ang huli sa pagkahalal ni Xi bilang pangulong Tsino. Ipinahayag niya na patuloy na magsisikap ang bagong pamahalaang Aleman upang mapasulong pa ang relasyong Aleman-Sino at ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Sinabi ni Merkel na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagpapalalim ng relasyong Europeo-Sino. Nakahanda aniya ang Alemanya na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga multilateral na balangkas na gaya ng G20 para magkasamang mapangalagaan ang kaayusang multilateral.
Bumati naman si Pangulong Xi sa panunungkulan muli ni Merkel bilang Chancellor ng Alemanya. Tinukoy niya na bilang kapwa malaking bansa at mahalagang puwersa sa katatagan, naisakatuparan ng relasyong Sino-Aleman ang pag-unlad sa mataas na lebel, sa balangkas ng komprehensibo at estratehikong partnership. Dapat aniyang palakasin ng dalawang bansa ang estratehikong pag-uugnayan para magkasamang mainam na pagplanuhan ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't-ibang larangan sa susunod na yugto, at isakatuparan ang komong kaunlaran.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan na gaya ng pandaigdigang kaayusang pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |