SINABI ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi magtatagumpay ang anumang paglilitis ng International Criminal Court kung walang pakikiisa ang Pilipinas. Layunin ng ICC na mabatid kung anong katotohanang nagaganap sa likod ng mga napapaslang sa kampanya laban sa illegal drugs ng Pilipinas.
Sapagkat sinabi na ni Pangulong Duterte na aalis na ang Pilipinas sa Rome Statute na pinaguugatan ng International Criminal Court.
Sa kanyang pahayag noong nakalipas na Linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na aalis na ang Pilipinas sa ICC. Ayon naman sa mga dalubhasa sa batas, nagtatagal ng isang taon bago mawala ang poder ng ICC sa inaakalang may mga kagagawan ng paglabag sa mga alituntunin ng ICC at nang kanilang mga saligang batas.