MAS malala ang pagbibitiw ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kaysa inaasahang kalalabasan ng impeachment o ng quo warranto petition sa Korte Suprema.
Ito naman ang sinabi ni dating Chief Justice Hilario Dsvide.
Sa isang pahayag, sinabi ni dating Chief Justice, kailangang mapanatili ang kalayaan ng Hudikatura at patuloy na igalang ang katuturan at kahalagahan ng batas sa pamamagitan ng impeachment proceedings.
Nanawagan siya sa mga hukom at mga kawani ng Hudikatura na igalang ang mga karapatan ni Chief Justice Sereno, lalo't higit ang paggalang sa pagiging patas, katarungan, due process at paggalang sa batas.
Mas makabubuti umanong huwag nang makisawsaw ang mga hukom at mga kawani sa isyung balot ng politika.