Ayon sa datos na isinapubliko Huwebes, Marso 29, 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon, nananatiling matatag at mabilis ang paglaki ng kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng produktong panserbisyo ng Tsina. Ito'y lumampas sa 811.1 bilyong Yuan, RMB, at mas malaki ng 9.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang bahagdan ng paglaking ito ay nakalikha ng bagong rekord sapul noong Hunyo ng nagdaang taon.
Ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang mabilis na paglaki ng kalakalang panserbisyo ng bansa ay nagpapakitang sumusulong ang situwasyon ng pag-aangkat at pagluluwas ng produktong panserbisyo ng Tsina.
Salin: Li Feng