Noong ika-14 ng Pebrero, ipinasiya ng pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na sa darating na 2 taon, isasagawa ang pilot project ng may-inobasyong pagpapaunlad ng kalakalang panserbisyo sa 10 lalawigan at munisipalidad at 5 bagong rehiyon sa antas ng estado sa buong bansa. Hahanapin din nito, pangunahing na, ang konstruksyon ng sistema ng 8 aspekto ng kalakalang panserbisyo, at maayos na palalawakin ang pagbubukas at market access ng industriya ng serbisyo.
Ang pagsasagawa ng pilot project ng may-inobasyong pagpapaunlad ng kalakalang panserbisyo ay makakabuti sa pagpapasulong ng pagbabago ng kalakalang panlabas at pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo ng industriya ng serbisyo. Kasabay ng pagpapasulong sa pag-unlad ng kalakalan ng paninda, maaari itong magpabilis ng pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo, magpasulong sa pagpapabuti ng estruktura at pagbabago ng kalakalang panlabas, lumikha ng bagong lakas-panulak ng kabuhayan, at magpasulong sa hanap-buhay.
Tinukoy ng "Ilang Kuru-kuro Hinggil sa Pagpapabilis ng Pagpapaunlad ng Kalakalang Panserbisyo" na isinapubliko ng Konseho ng Estado noong unang dako ng nagdaang taon na ang puspusang pagpapaunlad ng kalakalang panserbisyo ay nagsilbing mahalagang pokus ng pagpapalawak ng pagbubukas at espasyo ng pag-unlad. Anito, makakatulong ito sa pagpapatatag at pagdaragdag ng hanap-buhay, pagsasaayos sa estruktura ng kabuhayan, pagpapataas ng kalidad at episyensiya ng pag-unlad, at paglikha ng bagong growth point.
Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina mula noong 2011 hanggang 2015, mabilis na umunlad ang kalakalang panserbisyo ng Tsina, at umabot sa 14.5% ang karaniwang taunang paglaki ng halaga ng kalakalan na pumangalawa sa buong mundo. Ang pagluluwas ng mga bagong-sibol na serbisyong gaya ng software, teknolohiya, at kultura ay naging bagong tampok ng kalakalang panlabas at bagong makina ng pagbabago at pag-a-upgrade ng kalakalang panlabas.
Salin: Vera