Noong unang araw ng Abril, 2017, ipinasiya ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado na itatag ang Xiong'an New Area sa probinsyang Hebei ng Tsina. Ito ay isang senyal na lumitaw na ang representatibong lunsod sapul nang pumasok sa bagong siglo ang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Ito ay isang mahalaga at historikal na estratehikong pagpiling ginawa ng Komite Sentral ng CPC sa patnubay ni Xi Jinping.
Ngayong araw, Abril 1, 2018, ay unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Xiong'an New Area. Ang mga natamong bunga at progreso ng Xiong'an New Area noong isang taon, ay nagpapakitang ang inobasyon ay tiyak na landas ng pagpili sa pag-unlad ng Xiong'an. Mayroong itong malinaw na katangiang Tsino.
Salin: Li Feng