"Ang isang nasyong may pag-asa ay di-maihihiwalay sa mga bayani, at ang isang bansang may kinabukasan ay di-maihihiwalay sa tagapagbunsod." Ito ang sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina nang pag-usapan ang pambansang bayani at martir ng bayan. Sa okasyon ng Qingming Festival, dapat alalahanin ang sinambit ni Pangulong Xi, at magkakasamang alalahanin ang kasaysayan at bigyang-galang ang mga martir ng bansa.
Noong Hulyo 7, 2014, kasama ng mahigit 1,000 kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan, magkakasamang maringal na ginunita ni Xi Jinping at mga lider ng partido at bansa, ang ika-77 anibersaryo ng pagsiklab ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino Laban sa Pananalakay ng Hapon. Sa seremonya ng paggugunita, magkakasamang pinasinayaan nina Xi, mga beterano ng New Fourth Army at Kuomintang, at mga kinatawan ng kabataan, ang eskultura ng "Independent Medal of Freedom." Napag-alamang ito ay unang pagkakataong lumahok ang pinakamataas na lider ng Tsina sa opisyal na paggunita sa araw ng "Hulyo 7."
Sa kasalukuyang Tsina, unti-unting binubuo ang pabuti nang pabuting sistemang pambatas sa pangangalaga sa mga martir. Malinaw na inilagay sa bagong binalangkas na "General Provisions of the Civil Law" ang mga nilalamang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga martir ng bansa. Isinasakatuparan ang pagbibigay-galang sa mga bayani at pagtatanggol sa kapakanan ng mga martir sa porma ng sistemang pambatas.
Salin: Li Feng