|
||||||||
|
||
Sa nasabing mobilisasyon, inutusan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang hukbo ng bansa sa iba't ibang antas na palakasin ang pagsasanay na nakatuon sa tunay na labanan. Ipinagdiinan din niya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pagsasanay sa paraang siyentipiko.
Si Pangulong Xi ay nagsisilbi ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina.
Si Pangulong Xi Jinping habang nagbababa ng kautusan sa pulong ng mobilisasyon na nasa pagtataguyod ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, Enero 3, 2018. (Xinhua/Li Gang)
Idinagdag pa ni Xi na upang matupad ang tungkulin sa bagong panahon na ipinagkaloob ng Partido at mga mamamayang Tsino, dapat laging may kahandaan sa labanan, may kakayahang lumaban, at katiyakang mananalo ang hukbong Tsino.Ito ang unang ganitong mobilisasyon na ginawa ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |