|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing Miyerkules, Abril 4, 2018, sinabi ni Daniel Rosario, Tagapagsalita ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), na nabatid ng EU ang plano ng Amerika na patawan ng karagdagang taripa ang mga produktong Tsino alinsunod sa "Section 301 Investigation." Tinututulan aniya ng EU ang anumang hakbanging pangkalakalan na lumalabag sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO).
Ipinahayag niya na sapul nang pasimulan ng Amerika ang "Section 301 Investigation" noong Agosto, 2017, palagiang sinusubaybayan ng EU ang progreso nito. Aniya, makaraang isapubliko ng Amerikano ang lahat ng detalye, isasagawa ng EU ang ibayo pang pag-analisa at imbestigasyon hinggil dito.
Ipinagdiinan pa niya na ang mga hakbanging pangkalakalan ay dapat isagawa sa ilalim ng balangkas ng WTO. Ipinagkakaloob ng WTO ang maraming porma para sa paglutas sa mga alitang pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |