|
||||||||
|
||
Manila—Sabado ng umaga, Abril 7, 2018, binuksan dito ang Ika-15 Uni-Orient Cup Table Tennis Association for National Development (TATAND) Inter-Scholastic Table Tennis League. 1,232 manlalaro ng 308 grupo mula sa mga unibersidad, high school at primary school ang lumalahok sa nasabing 2-araw na paligsahan.
Si Liu Wei, dating world champion ng table tennis ng Tsina, kasama ang mga kabataang Pilipino
Ipinahayag ni Liu Wei, dating world champion ng table tennis at pangalawang propesor ng Peking University, na napakalaki ng tulong ng table tennis para sa paglaki ng kabataan. Umaasa aniya siyang ang paglalaro ng table tennis ng mga kabataang Pilipino ay hindi lamang makakapagprodyus ng kampeon, kundi makakalikha rin ng mabuting karanasan para sa paglaki ng mga kabataan.
Si Ramon Fernandez, Komisyoner ng Philippine Sports Commission
Nagpahayag naman ng pag-asa si Ramon Fernandez, Komisyoner ng Philippine Sports Commission, na mapapalawak ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa palakasan sa mas maraming larangan, at tutulungan ang Pilipinas na pataasin ang pangkalahatang kakayahang kompetetibo nito sa aspekto ng palakasan.
Si Stephen Techico, Tagapangulong Pandangal ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines
Ipinahayag naman ni Stephen Techico, Tagapangulong Pandangal ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines, na mahalaga ang katuturan ng pagpapalitang pampalakasan para sa pagpapabuti ng pagpapalagayang di-pampamahalaan. Patuloy aniya siyang kakatig sa tuluy-tuloy na pagdaraos ng ganitong pagpapalitan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |