|
||||||||
|
||
Pinoy Ping Pong delegates dumalaw sa Beijing
|
Sa episode ngayong araw ibabahagi po namin ang part 2 ng mga panayam hinggil sa 2017 Friendly Exchange Activity between CUPES and FFCAP.
Si Ramon Fernandez, Commissioner ng Philippine Sports Commission
Kasama sa delegasyon ang dating basketball star at ngayon ay Commissioner ng Philippine Sports Commission na si Ramon Fernandez. Aniya, ang biyahe sa Tsina ay isang magandang tulong sa naturang mga manlalarong Pilipino dahil sa mataas na lebel ng kasanayan sa table tennis ng mga Tsino. Ibinahagi niyang magandang pagkakataon ito upang isulong ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina sa palakasan. Hangad niyang pag-aralan ang mga larangan ng isports kung saan nangunguna ang mga Asyano at sanayin ang mga Pinoy upang matamo rin ang katulad na tagumpay.
Si Stephen Techico, Pangulo ng Uni-Orient at Tagapamuno rin ng FFCAP
Itinuturing ni Stephen Techico, Pangulo ng Uni-Orient at Tagapamuno rin ng FFCAP na misyon niya ang isulong ang mabuting ugnayan ng Pilipinas at Tsina bilang isang Tsinoy. Sa kanyang speech sinabi niyang blood bound relatives ang mga mamamayan ng dalawang bansa kaya sa kabila ng unos ay mananatili ang kagustuhang magtulungan.
Si Dr. Zhong Bingshu, Pangulo ng Capital University Physical Education and Sports (CUPES)
Sa kanya namang pagharap sa media sinabi ng Pangulo ng Capital University Physical Education and Sports (CUPES) na si Dr. Zhong Bingshu ikilalulugod niya ang pagdaraos ng aktibidad at natutuwa sa pag-unlad nito loob ng 3 taon. Hangad niyang mas lumawig pa ang saklaw ng friendly exchanges at isama ang iba pang larangan ng isports bukod sa ping pong.
Mga manlalaro at coach ng Ping Pong mula sa Pilipinas at Tsina kasama ang mga opisyal ng dalawang panig na nagtataguyod sa 2017 Friendly Exchange Activity between CUPES and FFCAP
Pakinggan ang lahat ng mga interviews sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |