Pagpasok ng Abril, tumubo ang mga mailap sa Liryo sa damuhan ng Nalati, Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina. Kasabay ng pagkatunaw ng yelo't niyebe, tahimik na namumulaklak ang mga mailap na Liryo. Tinatawag itong yelong bulaklak o yelong liryo, dahil namumulaklak ito sa yelo't niyebe.
Ang damuhan ng Nalati ay kilalang-kilala rin bilang damuhan sa himpapawid, dahil 2,200 metro ang karaniwang taas nito. Mula ibaba hanggang sa itaas ng damuhan, may malinaw na pagbabago ang likas na kondisyong gaya ng klima, lupa at yamang biolohikal, kaya katangi-tangi ang tanawin doon.
Salin: Vera