SINABI ng Korte Suprema na taliwas sa sinabi ni Solicitor General Jose Calida, ang pagbibigay ng mga dokumento hinggil sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi makasasama sa pambansang seguridad.
Sa 52-pahinang notice of resolution na nagpapaliwanag sa poagtanggi sa panawagan ni Solicitor General Calida na kautusang magsumite ng mga dokumento sa operasyon, sinabi ng Korte Suprema na katawa-tawa at 'di kapani-paniwala ang pahayag ni G. Calida na makasasama ang pagbubunyag ng impormasyon hinggil sa kampanya laban sa droga.
Walang state secrets na napapaloob sa mga ulat, dagdag pa ng Korte Suprema.