Sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai mula ika-10 hanggang ika-11 ng Abril, 2018, ipinahayag ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina na matatag na pasusulungin ang reporma, palalawakin ang pagbubukas, at sa prosesong ito, matatamo ang mas maraming karanasan.
Aniya, ang pag-unlad na may mataas na kalidad ay nangangailangan ng maiman na kapaligirang komersyal. Pinapurihan ni Li ang pagpapa-ikli ng oras ng munisipal na pamahalaan ng Shanghai sa paghawak sa mga suliranin hinggil sa mga bahay-kalakal. Umaasa aniya siyang ibayo pang pabubutihin ang kapaligiran at ipagkaloob ang ginhawa para sa pagtakbo ng negosyo.
salin:Lele