|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nakahanda ang Tsina na magsagawa ng iba't ibang hakbangin para ibayo pang mapabuti ang kapaligirang pangnegosyo para sa mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan.
Ito ang desisyong ginawa ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina sa isang pulong kahapon, Miyerkules, Enero 3, 2018. Pinanguluhan ang pulong ni Premyer Li Keqiang.
Ipinagdiinan ni Li na ang pagpapabuti ng kapaligiran ay makakatulong sa pagpapasulong ng productivity at pagiging kompetetibo.
Ayon sa pulong, upang mapasigla ang pamilihan at mapasulong ang productivity, babawasan ng Pamahalaang Tsino ang mga red tape, buwis at singil ng mga bahay-kalakal. Kasabay nito, ibayo pang magbubukas sa labas ang Tsina.
Nagpasiya rin ang pulong na palalimin ang reporma ng sistemang pansiyensiya at pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ibang bansa, para mapasulong ang kakahayan ng orihinal na inobasyon. Sa prosesong ito, pasusulungin ng Tsina ang integrasyon ng saligang agham o basic science at pag-aaral sa aplikasyon o application study, at mahikayat ang mga bahay-kalakal, pamantasan at institusyon na idagdag ang puhunan sa pananaliksik. Magsasagawa rin ang Tsina ng mga hakbangin para suportahan ang mga siyentista sa ibayong dagat na manguna o lumahok sa mga proyektong pansiyensiya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |