Noong ika-12 ng Abril, 2018, idinaos ng Tsina ang Chinese People's Liberation Army (PLA) Navy review sa rehiyong pandagat ng South China Sea.
Ito ang pinakamalaki ng navy review sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949. 10,000 service personnel, 48 vessels at 76 aircraft ang lumahok sa review, kabilang din ang aircraft carrier Liaoning at mga pinakabagong submarines, vessels at fighter jets.
Dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sa kanyang talumpati, ipinangako ni Xi ang pagpapabilis ng modernisasyon ng hukbong pandagat. Aniya, dapat ipatupad ang leadership ng Communist Party of China (CPC) ng hukbo, igiit ang tumpak na ideya, pasulungin ang inobasyon ng teknolohiya, at itatag ang makabagong maritime combat system. At nang sa gayo'y, matiyak ng hukbo ang pangangalaga sa matatag na seguridad ng bansa at ipagkaloob ang mas malaking ambag sa patuloy na pagtataguyod sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Si Pangulong Xi ay siya ring general secretary ng Communist Party of China (CPC) Central Committee, at chairman ng Central Military Commission (CMC).
salin:Lele