Sa panahon ng ika-8 Beijing International Film Festival, idinaos Martes, Abril 17, 2018 ang porum hinggil sa pag-unlad ng industriya ng pelikula ng Tsina. Nagtipun-tipon dito ang mga personahe ng sirkulo ng pelikula at mga dalubhasa ng mga kolehiyo ng pelikula, para talakayin ang landas ng pag-unlad ng industriya ng pelikula ng Tsina. Iminungkahi ng mga dalubhasa na mapapaunlad ang industriya ng pelikula ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapabuti ng producer system, pagpapataas ng lebel ng pagpoprodyus ng magkakaibang uri ng pelikula, at iba pang paraan.
Nitong nakalipas na ilang taon, pumasok na ginintuang panahon ang industriya ng pelikula ng Tsina, at masiglang masigla ang pamilihan. Noong 2017, 55.911 bilyong yuan RMB ang box office sa buong taon, na lumaki ng 13.45% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Tinukoy rin ng personahe ng sirkulo ng pelikula na sa kasalukuyan, labis na dumedepende sa box office ang pag-unlad ng industriya ng pelikula ng Tsina. Mahigit 80 % ang proporsyon ng kita ng box office sa kita ng buong industriya, pero 30% lang ang datos na ito sa isang mahusay na pamilihan ng pelikula, at mas malaki ang proporsyon ng kita ng mga may kinalamang produksyon. Kaya napakalaki ng nakatagong lakas ng paggagalugad ng industriya ng pelikula ng Tsina.
Salin: Vera