Beijing — Binuksan kagabi, Abril 15, 2018, ang Ika-8 Beijing International Film Festival. Ang kapistahang ito ay hindi lamang nagiging benchmark sa global film market, kundi isa ring mahalagang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pelikulang Tsino at dayuhan. Dumalo rito ang mga bantog na filmmakers sa Tsina at mga bansang dayuhan.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Du Fei, Pirmihang Kagawad ng Komisyong Panlunsod at Ministro ng Publisidad ng Beijing, na sapul nang pasimulan ang Beijing International Film Festival noong 2010, sa layunin ng kapistahan na magkakasamang itamasa ang yaman at salubungin ang kinabukasan, malakas itong nakakapagpasulong sa pag-unlad ng industriya ng pelikula, at nakakapagsagana sa film culture. Aniya, sa kasalukuyan, ang kapistahang ito ay nagsisilbing isang internasyonal, propesyonal, at mapanlikhang pagtitipon para sa mga pelikulang pandaigdig.
Salin: Li Feng