Beijing — Ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 18, 2018, ni Tagapagsalita Yan Pengcheng ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na matapos ang komprehensibong pag-analisa at pagtaya, ipinalalagay ng komisyong ito na nagiging limitado at kontrolado ang epektong dulot ng trade friction ng Tsina at Amerika sa pagpapatakbo ng kabuhayang Tsino. Aniya, may kompiyansa, kondisyon, at kakayahan ang Tsina sa pagpapanatili ng matatag na operasyon ng kabuhayan.
Winika ito ni Yan sa isang news briefing na idinaos nang araw ring iyon ng nasabing komisyon.
Idinagdag pa niya na tungkol sa trade friction na inilunsad ng Amerika, gumawa na ang Tsina ng mga katugong plano para harapin ang mga nagkakaibang situwasyon.
Salin: Li Feng