Vientiane, Laos—Nilagdaan kamakailan ng Tsina at Laos ang Memorandum of Understanding hinggil sa magkasamang pananaliksik sa mga halamang gamot sa Laos.
Magkasamang isasagawa ang nasabing pananaliksik ng China Academy of Chinese Medical Sciences at Instituto ng Tradisyonal na Medisina ng Ministri ng Kalusugan ng Laos. Unang una, gagawin nila ang medicinal resource census sa Laos para malaman ang kahalagahang ekonomikal at medisinal ng mga yamang botanikal ng bansa. I-ko-compile rin nila ang Flora ng Laos.
Bukod dito, itatayo ng Tsina't Laos ang sentro ng pananaliksik sa tradisyonal na medisina, kung saan isasagawa ang komparatibong pag-aaral sa mga halamang medisinal at sasanayin ang mga tauhang Lao.
Salin: Jade
Pulido: Rhio