Phnom Penh, Cambodia—Kapuwa sumang-ayon ang Tsina at Laos na ibayo pang pasusulungin ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos sa kanilang pagtatagpo kagabi, Miyerkules, Enero 10, 2018. Kapuwa sila lumahok sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Nagpasiya rin silang magkasamang pasusulungin ng dalawang bansa ang Belt and Road Initiative, China-Laos Economic Corridor, at daam-bakal sa pagitan ng dalawang bansa. Nakahanda rin anila ang dalawang bansa na pahigpitin ang koordinasyon sa LMC, pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ibang mekasnimong pangkooperasyon ng rehiyon, para magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio