|
||||||||
|
||
Ngayong araw, sa Beijing, nakipag-usap si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Pradip Kumari Gyawali, Ministrong Panlabas ng Nepal na dumadalaw sa Tsina. Pagkatapos ng pag-uusap, magkakasamang nakipagtagpo sila sa mga mamamahayag.
Noong unang dako ng buwang ito, dumalaw sa India si KP Sharma Oli, Punong Ministro ng Nepal. Isang linggo makaraan, dumalaw naman sa Tsina si Ministrong Panlabas Pradip Kumari Gyawali. Sinabi ng ilang ulat na ang naturang pagdalaw ni Gyawali sa Tsina ay "balanseng aksyon" na ginawa ng Nepal.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Yi, na ang Tsina at India ay kapwa kinatawan ng mga bagong-sibol na ekonomiya, at makatwiran ang kagustuhan ng Nepal na makipagtulungan sa dalawang bansang ito, para makinabang sa kanilang pag-unlad. Ang kagustuhang ito ay dapat katigan ng kapwa Tsina at India, dagdag ni Wang.
Tinukoy din ni Wang na narating ang komong palagay ng Tsina at Nepal hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng "One Belt One Road". Sa hinaharap, ang mga kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan ay kapakipakinabang sa pag-unlad ng Tsina, India at Nepal.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |