Beijing, Tsina— Hanggang sa kasalukuyan, 61 bansa na kinabibilangan ng Pilipinas ang kumpirmadong lalahok sa China International Import Expo (CIIE). Kasabay nito, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran at hakbangin para mapalawak ang pag-aangkat.
Ito ang ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa preskon Huwebes, Abril 26, 2018.
Ang CIIE ay idaraos mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2018, sa Shanghai, munisipalidad sa dakong silangan ng Tsina.
Ani Gao, hanggang Abril 24, 2018, 1,022 bahay-kalakal ang nagparehistro para dumalo sa gaganaping ekspo. Halos 100 sa mga ito ay kabilang sa top 500 bahay-kalakal sa daigdig. Samantala, mga 34% ng mga rehistradong bahay-kalakal ang mula sa mga maunlad na bansa; 34% mula sa kahabaan ng Belt and Road; at 10% mula sa di-maunlad na bansa o less-developed countries.
Salin: Jade
Pulido: Rhio